UTANG

Napakadali na magpa-utang pero
Napakahirap na maningil kapag ka bayaran na
Magpo-post sa Facebook ng mga bagong bili na gamit
Pero ang totoo naman nu'n baon siya (yeah-yeah)
Bayad-bayad din kasi 'pag may time
'Wag 'yung puro kain, 'di ka naman bigtime (diet, diet)
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad-bayad din 'pag may time

Oh, anong petsa na?
Kailan ka kaya magbabayad?
Ba't binubukas-bukas mo lang ako
Ano ba talaga?
Ang sabi mo noong akinse
Gusto mo yata 'yung utang mo libre
'Di naman puwede 'yun

Ang tagal-tagal ko na ring nag-aantay
Na mahawakan 'yung pinautang ko ng aking mga kamay
Sabi mo kasi na hindi tatagal 'yung salapi
Maibabalik mo din sa tamang panahon kaya 'di ako humindi
Kain ng kain, bili ng bili ng mga bagong gamit (gamit)
Ta's 'pag singilan, sila pa 'yung may mga ganang magalit (galit)
'Di na makita 'yung pagmumukha, ang bilis magsilapit (lapit)
Tapos ako pa 'yung 'di maaari basta makalapit

Napakadali na magpa-utang pero
Napakahirap na maningil kapag ka bayaran na
Magpo-post sa Facebook ng mga bagong bili na gamit
Pero ang totoo naman nu'n baon siya (yeah-yeah)
Bayad-bayad din kasi 'pag may time
'Wag 'yung puro kain, 'di ka naman bigtime (diet, diet)
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad-bayad din 'pag may time

Ang galing mo nga magtago 'pag naniningil na
'Di na rin ma-contact 'yung dati mong numero
Wala na rin akong natatanggap miski balita
'Di ko na alam ano bang nangyari sa 'yo? (kaya, kaya)

'Wag na ako ang 'yong utangan
Lalo na't hindi mo 'ko kayang bayaran
Sa mismong araw na sinabi mo na babayaran mo ako
(Goddamit)

Sana all, may pambili ng bagong mga gamit
Sana all, sobrang taba ng pera sa may wallet
Sana all, nababayaran na ang utang
Kaso mukha ngang kinalimutan

Napakadali na magpa-utang pero
Napakahirap na maningil kapag ka bayaran na
Magpo-post sa Facebook ng mga bagong bili na gamit
Pero ang totoo naman nu'n baon siya (yeah-yeah)
Bayad-bayad din kasi 'pag may time
'Wag 'yung puro kain, 'di ka naman bigtime (diet, diet)
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad-bayad din 'pag may time

Kamusta na nga pala ang mga nangako?
Sa mata ko biglang naglaho
Ni wala manlang pasintabi sila
Kung sabagay ganyan ang ugali 'pag napakabaho
Sabi mo 'di mo sisirain ang pagkakaibigan natin
Pero nu'ng siningil ka
Para bang ako pa 'yung may kasalanan sa 'tin?

Masyado ka naman atat, 'di naman kita tatakbuhan
Basta 'pag mayro'n na, alam mo 'yan
At pangako lagi mo 'yang tatandaan
Ikaw pa mismo ang pupuntahan
At kahit kailan, 'di ko kakalimutan 'yan
Para ka naman iba niyan
Babayaran ka rin gagawan ko 'yan ng paraan

'Yan ang palagi na lang dahilan ng mga ibang tao
Na hindi sanay kapag 'di nanloloko
Palibhasa 'di magawang magtrabaho
Kung 'di mo kayang tumupad sa usapan
Ay 'wag ka na lamang mang-aargabyado
Sapagkat mas mahalaga ang tiwala
Mas maganda kapag ika'y makatao

Napakadali na magpa-utang pero (napakadali, napakadali)
Napakahirap na maningil kapag ka bayaran na
Magpo-post sa Facebook ng mga bagong bili na gamit
Pero ang totoo naman nu'n baon siya (yeah-yeah)
Bayad-bayad din kasi 'pag may time
'Wag 'yung puro kain, 'di ka naman bigtime (diet, diet)
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad-bayad din 'pag may time

Napakadali na magpa-utang pero
Napakahirap na maningil kapag ka bayaran na
Magpo-post sa Facebook ng mga bagong bili na gamit
Pero ang totoo naman nu'n baon siya (yeah-yeah)
Bayad-bayad din kasi 'pag may time
'Wag 'yung puro kain, 'di ka naman bigtime (diet, diet)
At isipin mo din kalagayan ng iyong pinag-utangan
Kaya bayad-bayad din 'pag may time



Credits
Writer(s): Rome Lagarde, Jerome De Leon, Ronald Abasta
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link