Ang Hirap Maging Mahirap

Ako nga pala si Toto
Simpleng batang may pangarap
Lumaki sa kalye, edad ko'y mag te-trese
Himig ko ang mga busina
Ng mga kotseng dumaraan
Sabay laro ng patintero kay kamatayan

No'ng umpisa, hindi ko pa maintindihan
Ngunit no'ng tumagal, aking naramdaman

Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap, kailan ba 'to magwawakas?
Ang hirap maging mahirap

Hanggang sa ako ay tumanda
Mata'y unti-unting namulat
Tingnan ang bawat kalsada
Kaliwa't kanan ang bakas ng lumalaban
Mairaos lang ang isang araw
Para sa pamilyang kong gutom na at uhaw
Handang gawin lahat
Mali man ang aking galaw

No'ng umpisa, hindi ko pa maintindihan
Ngunit no'ng tumagal, aking naramdaman

Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap, kailan ba 'to magwawakas?
Ang hirap maging mahirap, oh, oh, oh

Ang hirap mabuhay sa mundo
Kung saan binabase lahat
Sa kapirasong papel na may imprenta
Ayokong magreklamo pero tila tinapak-tapak-tapakan pagkatao
Limitado, delikado, apektado, sigurado
Bawat kwento sintunado, bawat oras singkupado
Ayoko na, tama na, gusto kong magbago pero
Tila ba merong nakaabang, bang, bang, bang, bang

Oh, ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba, kailan ba, kailan magwawakas?
Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya'y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap, kailan ba 'to magwawakas?
Ang hirap maging mahirap

Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo
Hindi mo na alam kung ano ba'ng mali at totoo
Sakit sagad na sa buto, kailan ba 'to mahihinto?
Mayro'n pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto?
Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo
Hindi mo na alam kung sino ba'ng mali at totoo
Sakit sagad na sa buto, kailan ba 'to mahihinto?
Mayro'n pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto?

Ako nga pala si Toto
Simpleng batang may pangarap



Credits
Writer(s): Kenneth Reodica
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link