Sadboi

Nasa harapan ko na
Pero 'di ko makuha
Parang hangin lang o kalawakan
'Di ko man lang mahawakan
Dulot 'to ng aking kaduwagan
Na parang walang hanggan
Tulad ng karagatan
Ng mundo na ito
Isa akong damuho
Mga pagkakataon
Pinapakawalan ko
Sa pagtagal ng panahon
Dito lang sa'king kahon
At ako'y aagnasin
Mundo'y 'di papansinin
Aasa na lang sa hiling
Na diwa ay maaabot ko pa rin

Mundo'y umiikot lang
Kahit di ko pa alam kung saang lugar ako mapupunta
Malalaman ko pa ba ang mga natitira
Sa aking kamay na mga pahina
Tuluyan nang nawawala, aking mga salita
Sa paikot-ikot na kahungkagan
Nabubulok na buhay ko'y walang patutunguhan

Bahag-buntot lang lagi
Kaya ok lang na mahuli
Boses na mahina, 'di makulayan ang mga mithi
Alam naman na kailanman na 'di ako magwawagi
Alam ko nga, pero umaasa pa sa sandali na
Mabigyang ilaw ang mga
Nagtimping salita at
Maalis saking balikat
Ang mga isip ko na
Mabigat at 'di ko kaya
Maibahagi ko na sana
Mga nadarama ko
Bago ako maglaho
Titingnan na lang ang mga bituin
At iisipin kung pano sila mapapasakin
At kahit ang mundo, ako'y iwanan
Alam ko na sa kabila, ako ay may tahanan

Mundo'y umiikot lang
At aking natuklasan na ito'y wala man lang pakialam
'Di na maaabala sa mga walang kwenta
Na boses na sa utak, gumagambala
Ok lang na mawala ang mga pansamantala
At walang silbi na pagpapalayaw
Nabubulok na buhay ko'y may bago nang daanan



Credits
Writer(s): Ravi Espinosa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link