PiPePa (feat. Aian Vincent Uba)

Ano, saan, bakit, kailan
Paikot ikot lamang sa aking isipan
Puso koy para bang isang patay na dahon
Sa ilalim ng lupa

Di na umasa pa na muling makita ang liwanag
Ngunit pinakita mo pano muling hubugin ang tadhana

Ano pa bang silbi ng buhay
O saan pa maglalakbay
Bakit pa ba may pag-asa
Hanggang kailan... sana walang hangganan

Kailanma'y di iiwan aking mahal
Habang buhay di isusuko ating mundo
Kasalanan ba ng pusong matutunan muli ang magmahal

Matatawag bang pinagtagpo kung tayo ay patago
Masasabi bang tinadhana kung puso'y wasak na

Pakaingatan ang pusong nagmamahal
(Nagmamahal muli)
Wag bibitiw sa ating pangako
May dulo man ang walang hanggan

Kailanma'y di iiwan aking mahal
Habang buhay di isusuko ating mundo
Meron pa bang bituing laan para sa'tin
(Walang ibang aangkin)
May langit pa kayang naghihintay sa dulo ng buhay

Kailanma'y di iiwan aking mahal
Habang buhay di isusuko ating mundo
Kasalanan ba ng pusong matutunan muli ang magmahal



Credits
Writer(s): Exequiel Jr. Nuñez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link