Shanghai

Isang gabi noong nagkita tayo
Natatandaan ko pa, malapit no'ng mag-Pasko
Sumisilip, sumusulyap lang sa tingin mo
Na singkinang ng mga talang nakikita ko

Ano pa nga ba ang magagawa ko
Kung hanggang tingin na lang ako sa 'yo?

Kapag humihingi ako sa 'yo ng pansin
Sana man lang kasi, iyong lingunin
Kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay
Kasabay ng 'yong tingin at ng iyong...
Isang "Hi"

Limang gabi na tayong nagkikita (limang gabi na tayo)
Nagtatanong sa isip, "Ano'ng pangalan n'ya?"
Buhat sa mga ngiti mong 'di mawala-wala
Kaya ngayong Simbang Gabi, hiling ko'y himala

Ano pa nga ba ang magagawa ko
Kung hanggang ngiti na lang ako sa 'yo?

Kapag humihingi ako sa 'yo ng pansin
Sana man lang kasi, ika'y tumingin
Kahit isang kaway lang naman ng iyong kamay
Kasabay ng 'yong tingin at ng iyong...
Isang "Hi"

Ngayong gabi na ang Misa de Gallo
Alam ko nang hindi na tayo magtatagpo
At kung hindi ko man masabi ang nasa puso ko
Ibubulong na lang ito sa sarili ko, whoa-whoa-oh

Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Alam ko nang hindi na tayo magtatagpo
Dahil ikaw na lang ang aking hinihintay
Makuha ko ang 'yong tingin at ang iyong...

Ano pa nga ba ang magagawa ko? (Ano pa nga ba ang magagawa ko?)
Alam ko nang hindi na tayo magtatagpo (magtatagpo)
Dahil ikaw na lang ang aking hinihintay
Makuha ko ang 'yong tingin at ang iyong...

Makuha ko ang 'yong ngiti at ang iyong...
Makuha ko ang 'yong tingin at ang iyong...
Isang "Hi"



Credits
Writer(s): Eleazar Galope, Joebert Macaspac, Lance Estacio, Paula Galvez, Rein Arago
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link