Uwian

Ang 'yong mata'y
Buklat na kaluluwa
Ang iyong hininga'y
Bagong simula

Sa mundo kong nahingal
Ang tinig mo ang

Patak ng ulan sa umagang
Inuhaw na ng malalim na gabi
Ang 'yong pag-ibig ay pakpak mula
Sa aking pighati
Hinatid nang malayo na
Gamit ang 'yong ngiti
Sa iyong tabi
Nakauwi

Ang iyong puso
Gabay 'pag naliligaw
Matibay na kapitan
Pangako ng tag-araw

Sa mundo kong nainip na
Naghihintay sa
Tinig mo na

Patak ng ulan sa umagang
Inuhaw na ng malalim na gabi
Ang 'yong pag-ibig ay pakpak mula
Sa aking pighati
Hinatid nang malayo na
Gamit ang 'yong ngiti
Sa iyong tabi
Nakauwi

Sana ay marating ng
Awitin ang pusong malayo
'Pagkat ako ay sabik na
Nakikiusap na mahagkan ka
Sa piling mo ay

Patak ng ulan sa umagang
Inuhaw na ng malalim na gabi
Ang 'yong pag-ibig ay pakpak mula
Sa aking pighati
Ngayong malayo ka na
Saan ako uuwi?
Sa iyong tabi pa rin
Uuwi



Credits
Writer(s): Arvin Quiñones, Benok Calizo, Dan Predilla, Helvic Saringan, Jacob Alipar, Kris Madriaga
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link