Ikaw ang Liwanag at Ligaya

Sa isang iglap, mga ngiti'y natakpan
Mahigpit na yakap, kailangang pakawalan
Dumaan ang dilim, napuno ng bituin
Sa Iyong lilim, pag-ibig, mas nagningning

Hinahanap ang kahapon
Sa panibagong ngayon
Marami ang nagbago
Ngunit 'di ang pagmamahal Mo

Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula
Ngayong Pasko, babalik ang saya
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya

Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya
Oh, yeah

Kami ay may lakas na harapin ang bukas
Ikaw ang gabay sa bawat landas

Gawin kaming liwanag
Para sa isa't isa
Pag-asang sumisinag
Sa pamilya at sa kapwa

Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula
Ngayong Pasko, babalik ang saya
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya

Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya

Sa mahabang gabi, tumigil ang mundo
Sa pag-asang dala Mo, tuloy ang Pasko

Liwanag, ligaya; light, joy
Claridad, alegria; kasanag, kasadya
Lamrag, kalipay; sahaya, kakuyagan
Kahayag, kalipay; raniag, ragsak
Liwawa, liket; sigay, lilini
Liwanag, kaogmahan; sulu at ing tula
希望, よろこび; illumina, gioia
阳光, 喜悦; lumiere, joie
빛, 즐거움; أضواء ،فرح
אור, אושר; luz, alegria

Liwanag at ligaya
Nagmumula sa Iyo
Ikakalat sa mundo

Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula
Ngayong Pasko, babalik ang saya
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya

Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula (may panibagong simula)
Ngayong Pasko (ibalik, ibalik ang ligaya)
Babalik ang saya (babalik ang saya)
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya (yeah)

Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya (Ikaw ang liwanag at ligaya)
Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya (liwanag at ligaya)
Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang liwanag at ligaya



Credits
Writer(s): Abs Corporation Cbn
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link