Gasolina

Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na maihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss
Magdamag nagsusulat sa madilim na bartolina
Ba't ako magtutulak kung maraming gasolina
Bawat isa sa aking mga nakatagong rima
Tila payong hinuhugot sa pabago-bagong klima
Kaso di natatakot sa apoy at arsonista
Manhid na sa sakit hanggang sa naging masokista
Armado ng tinta, mautak pa sa pogita
Ganyan sa umpisa, sadyang nagpapatalo
Bida bago ipakita ang isang daang porsyento
Tandaan na ang progreso dadaan pa sa prosesong
Mausisa at mabusisi na sa huli palagi ang pagsisisi
Pag pauwi na bawat palpak sa aking isip
Nakakadagdag ng mga titik na makamandag aking mithiin
Mamayagpag bilang magiting na alagad ng sining
Basta may pag-ibig na kalasag ay pilit na papalag
At mananatiling naglalagablab
Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na maihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss
Sa likod ng pulang kurtina puro oportunistang
Handa kang sagasaan ng hindi bumubusina
Puro pangako ng pangarap na kumukutitap
Puro gustong kumita lalo nung umuso hip-hop!
Puro subpoena, diyos ko por bida
Puro gunggong na gusto lang manghila
Doon sa pila puro bulok na media at kolumnista
Na gagawin kang kontrabida at durugista kaya kung minsan
Nakakatamad nang pag-isipan ang mga bara
Hanapin kung saan naisiksik ang mga bala
Ngunit pag nakakabasa ng liham ng tagahanga
Unti-unti na naman nagniningas ang mga baga
Bumabalik ang gana sa t'wing naaalala
Tilian, palakpakan, hagikhikan mga tawa
Siksikan sa gig parang sardinas na nasa lata
Ako'y muling magliliyab na parang gin at marijuana sa sagada!
Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Ako ito gumagawa ng kasaysayan
Tamang himay ng mensahe na maihahatid
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis
Lubos ko na kayong namimiss
Sa t'wing ako'y sumusulat ng mga tula
At mga kantang pinagsisikapang mabuo
Matiyak sapul pati puso at kaluluwa
Sapagkat hindi lang isip ang busog
Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog
Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy
Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob
Lahat ng kumalaban at naiinggit sa akin
Ay pawang mga taga-hangang nahihiyang umamin
Lahat ng taga-hangang habambuhay sumuporta
Ng masugid ay tinuturing kong tunay kong katropa
Lahat ng tropa kong dikit sa ginhawa at sakit
Itinatrato kong higit pa sa kapatid
Kasama sa init at sa lamig
Mga sinunog kong tulay ang naging ilaw sa pagtawid
Naaalala nyo pa ba ako?
Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko?
Lumalabas sa TV na parang si sadako
Naaalala nyo pa ba ako?
Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle takot ka bang matalo
Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy
Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob
Kamusta na
Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid
Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko?
Lumalabas sa TV na parang si Sadako
Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina
Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig
Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago?
Bakit wala kang battle takot ka bang matalo?



Credits
Writer(s): Francisco Saldana, Victor Cabrera, Ramon Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link