Ang Tunay na Noche Buena

'Di man tayo makapag caroling
Na may dalang gitara't tambourine
'Di madalaw ninong at ninang
Ang aguinaldo ay paano na?

'Di man tayo makapagsimba
Na kasama buong pamilya
'Di man natin mapagsaluhan
Puto't bibingka, kape at suman

Ang tunay na Noche Buena
Ay pagsasalo ng tanan
Pagbibigayan ng biyaya sa aba

Ang tunay na Noche Buena
Ay pagdiriwang nating lubos
Ng pag-ibig at pag-asang
Handog ng Diyos

Paano na ang Christmas Party
Mga sayaw at masiglang pagbati?
Paano rin ang mga regalo
Pagbibigayan ngayong pasko?

Ang tunay na Noche Buena
Ay pagsasalo ng tanan
Pagbibigayan ng biyaya sa aba (sa aba)
Sa aba

Ang tunay na Noche Buena
Ay pagdiriwang nating lubos
Ng pag-ibig at pag-asang
Handog ng Diyos

Maging pag-asa sa ating kapwa
Maging kanlungan ng dukha
At sama-samang makisalo (at sama-samang makisalo)
At magdiwang ngayong pasko (ngayong pasko)
Ngayong pasko (ngayong pasko)

Ang tunay na Noche Buena
Ay pagsasalo ng tanan
Pagbibigayan ng biyaya sa aba (sa aba)
Sa aba

Ang tunay na Noche Buena
Ay pagdiriwang nating lubos
Ng pag-ibig at pag-asang
Handog ng Diyos
(Pag-ibig ng Diyos)

Pagsaluhan ang pag-ibig ng Diyos
Pag-ibig ng Diyos



Credits
Writer(s): Manoling Francisco Sj, Norman Agatep
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link