Tanging Ikaw

Aking mundo'y pinukaw ng iyong labi
Binihag mo agad ang aking damdamin
Ngayon ako'y sayo na at ika'y akin
Wala ng hahanapin at hihilingin

Sino nga ba ang mag-aakala
Tayo ay pinagtagpo ng tadhana
'Di na maghahanap ng iba
Sa tuwina ay iibigin ka

Tanging ikaw ang aking iniibig, laman ng bawat tinig
At laging ikaw ang laman ng isip maging sa panaganip
Wala ng iba
Sa aking puso sinta, Ikaw ay nag-iisa
Walang iba

Sinwerte yata ang aking kapalaran
Nagbunga ang pagdarasal sa Baclaran
Ngayon nasakin na ay aalagaan
Mamahalin kita magpakailanman

'Di mo kailangang mag-alala
Hindi magbabago ang aking nadarama
At kahit pa saan mapunta
Sa tuwina ay iibigin ka

Tanging ikaw ang aking iniibig, laman ng bawat tinig
At laging ikaw ang laman ng isip maging sa panaganip
Wala na ngang iba
Sa aking puso sinta, Ikaw ay nagiisa
Walang iba
Walang iba



Credits
Writer(s): Stephanie Razado
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link