Katabi

Puwede ba kitang kilalanin?
Haranahin at suyuin?
Sa 'yong mukha, ako ay nabighani
Pagtingin sa 'yong mata, buong mundo ko'y tumigil

Mula nang ika'y masulyapan
'Di na malimutan ang...

Ang iyong ngiti, ang iyong pisngi
Ang lambot ng iyong labi
Laging minimithi, laging iniisip
Ikaw lamang ang nais makatabi

'Pag iyong kamay ay nahahawakan
Puso'y sumisigaw, "Oh, mahal na yata kita"

Wala na akong ibang hangad
Pangarap lamang ang...

Ang iyong ngiti, ang iyong pisngi
Ang lambot ng iyong labi
Laging minimithi, laging iniisip
Ikaw lamang ang nais makatabi

Abot-kamay na ang langit
Kapag ikaw ang aking kapiling
Sa bagyo ng aking daigdig
Ikaw ang bahaghari

Ang iyong ngiti, ang iyong pisngi
Ang lambot ng iyong labi (laging minimithi)
Laging minimithi, laging iniisip (nasa 'king isip)
Ikaw lamang ang nais makatabi

(Sa iyong mukha) Sa iyong mukha (sa iyong mata) sa iyong mata
(Mundo ko ay tumigil) Mundo ko ay tumigil
(Sa iyong mukha, sa iyong mata) Oh-oh
(Mundo ko ay tumigil) Oh-oh-oh-oh



Credits
Writer(s): Nica Del Rosario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link