Latsu

Para san ba at nagsusulat ka
Natutuwa kapag nag-iisa't nagkukumanta
Nawa'y 'wag kang mangamba kung magugustuhan ba
Pagkat katuwang mo ang pagsusulat para sa katunayang may katuturan ka

Mapa-galit o pag-ibig, nangyayari sa paligid
Motibo o mithiing sinasalin mo sa hilig na sumulat, sinasakto pa sa himig
Nagmamarka ang bawat sumasagi lang sa isip

Ika'y nagbabahagi lamang ng kwento sa taong
Sa pagpapahalaga, hindi palaging may espasyo
Pagkat ang buhay, 'di pare-pareho ng senaryo
Na 'di tulad ng tula, hindi tugma bawat estado

Kaya 'di lahat naaarok ang sukat ng nilalarawan mo sa nais isulat
Kung 'di nila ramdam ang pinanggagalingang sugat
Damhin mo na lamang sa halip na makiusap

O pilit ituro pa ang punto kung sakaling
'Di makuha ng buo ang pagbuod mo ng detalye
Bukod sa mga nakikinig ng malugod, marahil
'Di lahat ay kasundo mo sa paghahatid mensahe

Ngunit anumang komento na namimikon
Tanggapin lang, 'di mo kaylangang humingi ng kondisyon
Tulad ng sulatang papel, dapat parang ikaw din 'yon
Na bukas sa lahat ng kahit anong opinyon

Dahil 'di lahat naaarok ang sukat ng komplikadong sulat mong higit kanino man
Ikaw ang nakakaramdam ng pinanggagalingang sugat
Kaya damhin mo na lang, 'di mo kaylangang makiusap

Ano kung walang amor o papuring nakukuha
Imbis na masuportahan ay sinasalaula
Ano kung sa pagpabor ng ibang tao'y mabigo ka
Wala mang naghahabol, 'di yan rason na huminto ka

Kung nasa puso't isip, tunay ka na malikhain
Gamit ang mga titik, ang ideya'y paganahin
Anumang paksa ang ibig mong gawin o talakayin
Kung ilan ang tatangkilik, 'di na kaylangang bilangin

Kaya nga at nagsusulat ka
Natutuwa kapag nag-iisa't nagkukumanta
Nawa'y 'wag kang mangamba kung magugustuhan ba
Pagkat katuwang mo ang pagsusulat para sa katunayang may katuturan ka

May katuturan ka
Magsulat ka lang

May katuturan ka
Magsulat ka lang

May katuturan ka
Magsulat ka lang

Magsulat ka lang



Credits
Writer(s): Thomas Lynmuel Mayacyac
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link