Aalis Na Lang

Tingin na may gustong sabihin
Pusong basag na nagkukunwaring
'Di ako bigo
Sarili ay pinipilit
Ngunit 'di pa rin pinipili
Ng puso mo
Sayang ang pagmamahal ko sayo na 'di ko maipadama
Nagaabang nang kaytagal
Ngunit nakatingin ka sa iba
Hindi pa rin ako
Kung pwede bang ako na lang
Magtitiis na lamang na masaktan
Luha man ang kapalit sa 'yong kaligayahan
Magpaparaya may magagawa pa ba
Kung 'di talaga pwede
Ay aalis na lang
Nakatingin sa salamin
Araw gabi napapaisip
Ba't di ako
Anong mali sa akin
Ika'y 'di mapasaakin
Sabihin mo
Sayang ang pagmamahal ko sayo na 'di ko maipadama
Nagaabang nang kaytagal
Ngunit nakatingin ka sa kanya
Hindi pa rin ako
Kung pwede bang ako na lang
Magtitiis na lamang na masaktan
Luha man ang kapalit sa 'yong kaligayahan
Magpaparaya may magagawa pa ba
Kung 'di talaga pwede
Ay aalis na lang
Dakilang hangal
Umiibig kahit 'di mahal
Tingin na may gustong sabihin
Pusong basag na nagkukunwaring
'Di ako bigo
Aalis na lang



Credits
Writer(s): Soupstar Music Inc, Kristina Lynn P Academia
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link