Umaga (feat. Zeb Zuñiga & Luis Monsalud)

Dumungaw ka kapatid at pagmasdan mo ang umaga
Ang ilaw niyang dala at ang pangako niyang hatid
Bumangon ka't ituon mo ang mukha mo sa liwanag
Upang ngayon ang tanikala ng dilim ay mapatid

Dumungaw ka kapatid at dinggin mo ang mga ibon
Awit nilang salubong sa pagbubukang-liwayway
Awiting pasasalamat sa 'ting Panginoon
Nang matapos ang dilim ay may panibago pang buhay

Dumungaw ka't masdan muling pagsilang ng daigdig
Di ba't pagsapit niya'y wari'y may ibinabadya
Pagka't umaga'y nilikha ng Diyos upang ating mabatid na
Tayo'y maari pang muling magsimula

Kaya takot at pangamba'y iwanan sa kahapon
Pagsapit ng umaga'y ating pagkakataon
Magbalik-loob sa Diyos at simulan doon
At sabay nating haharapin ang hamon ng ngayon

Dumungaw ka't masdan muling pagsilang ng daigdig
Di ba't pagsapit niya'y wari'y may ibinabadya
Pagka't umaga'y nilikha ng Diyos upang ating mabatid na
Tayo'y maari pang muling magsimula

Dumungaw ka't masdan muling pagsilang ng daigdig
Di ba't pagsapit niya'y wari'y may ibinabadya
Pagka't umaga'y nilikha ng Diyos upang ating mabatid na
Tayo'y maari pang muling magsimula

Magsimula



Credits
Writer(s): Luis Rosete Monsalud, Rogelio Quinto Singson
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link