Ganyan ang Pag-ibig

Parang panaginip
Parang kape na mainit
Ganyan pala ang pag-ibig
Tulad ng kalawakan
Mga bituin, araw, at buwan
Nahuhumaling ako sa iyong ganda

Parang sobrang sarap na pagkain
Parang malamig na tubig sa tanghali
Ano ang kahulugan ng pag-ibig?
Sa mga maliliit na mga saglit
O kaya sa mukha na ngumingiti
Masasabi mo ba ito'y pag-ibig?

Sa totoo lang, hindi ko rin alam
Ngunit dahil sayo, naunawaan ko na

Parang panaginip
Parang kape na mainit
Ganyan pala ang pag-ibig
Tulad ng kalawakan
Mga bituin, araw, at buwan
Nahuhumaling ako sa iyong ganda

Parang pag tumatawa sa mga biro
Tulad ng agos ng mga alon
Ano ba ang damdamin ko para sayo?
Sa mga yakap na sobrang higpit
O kaya sa sayawan at mga awit
Masasabi ko ba ito'y pag-ibig?

Sa totoo lang, hindi ko rin alam
Ngunit dahil sayo, naunawaan ko na

Parang panaginip
Parang kape na mainit
Ganyan pala ang pag-ibig
Tulad ng kalawakan
Mga bituin, araw, at buwan
Nahuhumaling ako sa iyong ganda

Ikaw ang tadhana
Ang aking hinahanap
Ito na nga ang pag-ibig
Tulad ng kalawakan,
Mga bituin, araw, at buwan
Kailanman, ikaw ang aking minamahal



Credits
Writer(s): Mikey Tupaz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link