Bagong Bahaghari

Magkikita-kita pa rin tayong muli
Magsasalu-salong hindi nagmamadali
Sa pinagdaanan babango't babawi
Magkikita-kita pa rin tayong muli

Ang 'di nakadalaw at 'di nakauwi
Ang maglalakbay pa sa malayong lahi
Makararating din nang mal'walhati
Magkikita-kita pa rin tayong muli

Ang dilim sa ulap ngayo'y nahahawi
Ang luha sa mata kapalit ngayo'y ngiti
May hamog na at kulay ng bagong bahaghari

Magkikita-kita pa rin tayong muli
Magsasalu-salong hindi nagmamadali
Sa pinagdaanan babango't babawi
Magkikita-kita pa rin tayong muli



Credits
Writer(s): Albert Alejo Sj, Natt Dublin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link