Habangbuhay

Ika'y mahalaga
Kung puwede lang ay manatili ka
Dito sa aking tabi, walang pagmamadali
Kahit ga'no pang kahaba ang gabi

Mahal, alam mo ba?
Nais kong ika'y mapasaya
Wala akong maibigay kundi aking mga kamay
Yayakapin ka sa habang-buhay

'Di ko maipangako ang araw at mga bituin
O na ang mga pangarap mo'y aking tutuparin
Ang tanging maaalay ay aking panalangin
Na habang-buhay ako'y sa 'yo, ika'y akin

Mahal, pakinggan mo
Itong awitin ko na para lang sa 'yo
Ramdam ko'ng 'yong pagmamahal para sa aki'y magtatagal
Kaya ang puso kong sa 'yo'y isusugal

'Di ko maipangako ang araw at mga bituin
O na ang mga pangarap mo'y aking tutuparin
Ang tanging maaalay ay aking panalangin
Na habang-buhay ako'y sa 'yo, ika'y akin

Ooh (ooh), ooh (ooh)
Ooh (ooh), ooh (ooh)
Ooh (ooh), ooh (ooh)

'Di ko maipangako ang araw at mga bituin
O na ang mga pangarap mo'y aking tutuparin
Ngunit ang bawat umaga'y sabay nating salubungin
Mula sa araw na dinggin itong tangi kong panalangin
Na habang-buhay ako'y sa 'yo, bawat umaga 'ko'y sa 'yo
At habang-buhay ako'y sa 'yo, ika'y akin



Credits
Writer(s): Issa Rodriguez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link