Dapit-Hapon

Lumulubog na ang araw
Mula sa bintana tinatanaw
Lumalamig na ang hangin
Kasabay ng pagdilim
Habang ako'y nakadungaw
Naghihintay pa rin
Sa'yong pagdating
Lalapit sa'kin
Kapag narinig 'yong tinig
Tila musika sa'king pandinig
Ang paborito kong tono
Ay iyong mga ngiti
'di magsasawa
Nananabik pa rin
Sa'yong pagdating
Lalapit sa'kin
Yayakapin, susulitin
Ang bawat sandaling
'Ka'y kapiling 'kaw ay akin
Sa pagsapit ng dilim
Sa'yong pagdating
Lalapit sa'kin
Sa'yong pagdating
Lalapit sa'kin
Aawitan ng kundiman
Sa ilalim ng buwan
'Ka'y kapiling 'kaw ay akin
Sa pagsapit ng dilim
Sa'yong pagdating
Lalapit sa'kin
Yayakapin, susulitin
Ang bawat sandaling
'Ka'y kapiling 'kaw ay akin
Sa pagsapit ng dilim
Lumulubog na ang araw



Credits
Writer(s): Jemmarie Cadelina
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link