huling sayaw

Sa'n patungo ang mga apak
Nanlalabo ang mata sa mga luha
Kaliwa ba o kanan naguguluhan
Patuloy ang sayaw kahit nasasaktan

Tunog ng musika ay di marinig
Dahil puso ko ay nanginginig
'Di malaman kung dala ba ito ng kaba
O dahil pagkatapos ay wala ka na

At ngayong ikaw ay narito
Hawak-hawak ang mga kamay ko
Kahit puso'y gustong sumigaw
Nanamnamin ang huling sayaw

Dumidilim ang paningin
Nahihiya sa mga taong nakatingin
Mga ilaw sa gabi ay namumutla
Damang-damang tukso ng mga tala

Nakangiti sa atin ang buwan
Ngunit ang mga mata'y sakit ang pasan
Lumalaban kahit nanghihinayang
Dahil ang kantang ito'y matatapos na

Unti-unting kumukupas ang ala-ala
Sa mga huling hakbang umaasa

At kahit ikaw ay narito
Hawak-hawak ang mga kamay ko
Kahit puso'y gustong umayaw
Dumating pa rin ang huling sayaw

At kahit ikaw ay narito
Hawak-hawak ang mga kamay ko
Kahit puso'y gustong sumigaw
Tatanggapin ang huling sayaw
Huling Sayaw



Credits
Writer(s): Kean Ruelan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link