Paano

Mata'y napagod sa pag-agos ng mga luha ng poot
Paghinga'y nabibitin umaasa nalang sa hangin wag lang kapusin
Mula noong iwan mo nasaan ako?
Hinanap ang sarili sumama na sa iyo
Babalik pa ba ako?

Paano kalimutan ka?
Paano nga ang mag-isa?
Nasanay lang akong nandito ka
Akala ko'y di na iiwan pa
Mahal kita pero paalam na
Mahal kita pero paalam na

Aking puso ay hindi na ipipilit pa sa iyo
Sa pangako mo mundo ko'y umikot ikot at nahulog sa iyo
Mula ng ibigay iyong mamahalin
Hinanap ang sarili, hindi na dumating
Babalik pa ba ako?

Paano kalimutan ka?
Paano nga ang mag-isa?
Nasanay lang akong nandito ka
Akala ko 'y di na iiwan pa
Mahal kita pero paalam na
Mahal kita pero paalam na

Nagtanong sa iyo kung mahal ako
Bakit natamo ay paglisan mo

Paano kalimutan
Paano kalimutan, ka?



Credits
Writer(s): Hannah Angelie Lizada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link