Tama Na (feat. Jay-R, R-Bee & Ralf)

Bakit nga ba
Biglang nawala sa akin
Pagmamahal mo'y
Tila ba napunta lang sa hangin
Umaasa pa ako
Na ikaw ay babalik sa akin
Tama na
Dahil pinapalit mo'ko sa iba

Di ko din tuloy maintindihan ang aking
Nararamdaman
Bakit naman sadyang iniwan mo akong
Luhaan
Di ko talaga malaman kung ano bang dahilan
Basta nalang tinapon at sinayang ang
Pinagsamahan
Kahit minsan di ko inisip na
Mangyayare pa
Na dadating ang araw na
Mawawalay pa sa kanya
Masyado na kasi nasanay
Na kami ng dalawa
Mali pala, hindi pala, pagpapalit din sa iba
Alam ko naman na masaya kana
At ngayon na mas pinili mo na sya
Wag ka na mag alala
Tatanggapin ko na
Di mo na kailangan pang magpaliwanag pa
Basta alam ko na ibinigay sayo lahat
Kaso lang mukhang hindi pa din sa'yo
Ito sapat
At kahit pa pagmamahal ko ay tapat nagawang
Pagpalit at na sayang ang lahat lahat

Bakit nga ba
Biglang nawala sa akin
Pagmamahal mo'y
Tila ba napunta lang sa hangin
Umaasa pa ako
Na ikaw ay babalik sa akin
Tama na
Dahil pinapalit mo'ko sa iba

"Hanggang dulo walang iwanan"
Ang mga salita na akin pang natatandaan
Kahit na nakaraan mo ay
Tinanggap ko oh
Tapos sa huli ako lang din pala ang
Matatalo
Bat ang bilis mo naman magbawi
Samantalang dito ko pa naman na umuuwi
Hindi minamadali desisyon mo oh
Saan ba ako nagkulang
Bakit bigla kang nagbago
Hindi ko na alam kung ba't nagkaganto
Ang gulo gulo na hindi ko matanto
Ginawa ko naman ang lahat para lang
Alam mong ikaw lang ang aking gusto
Anong pagkukulang aking nagawa?
Bakit hindi makapagsalita
Bigla mo akong iniwanan na may katanungang
Umukit sa aking mukha
Hindi ko alam kung bakit nawala
Pagmamahal mo biglang nasa iba
Ilang beses ba akong dapat na lumuha
Para mabigyan ako nang halaga
Ano ba talaga pagkukulang ko
Ba't parang ang labo na sa akin ng mundo
Kung sino pa ang tunay na nagmahal ay
Siya pa ang palaging naloloko

Bakit nga ba
Biglang nawala sa akin
Pagmamahal mo'y
Tila ba napunta lang sa hangin
Umaasa pa ako
Na ikaw ay babalik sa akin
Tama na
Dahil pinapalit mo'ko sa iba

Hindi na pwedeng maulit pa ang
Nakaraan
Ayoko na muli na ganito ang malakaran
Dahil ang hirap talaga ng aking napagdaanan
Iniisip yung mga araw noon
Sana naman maulit yung ganon ngayon
Pero hindi na pwede dahil nasa iba ka na
Kaya salamat nalang sa mga ala ala
Sa mga panahong ako iyong napasaya
Siguro nga hindi pa ko handa
Kaya ka nawala
Tadhana na ang magsasabi kung tayo talaga

Bakit nga ba
Biglang nawala sa akin
Pagmamahal mo'y
Tila ba napunta lang sa hangin
Umaasa pa ako
Na ikaw ay babalik sa akin
Tama na
Dahil pinapalit mo'ko sa iba

Bakit nga ba
Biglang nawala sa akin
Pagmamahal mo'y
Tila ba napunta lang sa hangin
Umaasa pa ako
Na ikaw ay babalik sa akin
Tama na
Dahil pinapalit mo'ko sa iba



Credits
Writer(s): Ralf Tumaque
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link