Gaano Kita Kamahal?

Nakikiusap
Na wag mong bibitawan
Ang puso mong kaytagal na
Kaytagal Nang lumalaban

Pero Kung sakali
Sana'y huwag mong kalimutan
Na mahalin ang sarili dahil
Baka wala na ako para gawin yan

Nagbabato bato
Sa langit kumakatok
Isang hiling ang nais ko
Kasiyahang tunay sa pinili mo

Ganoon kita kamahal
Na Hahayaan ka na

Huwag nang isipin kung
Nasaktan mo ba ako
Tayo'y tumaya sa pag ibig
Na di alam kung panalo ba o talo sa dulo

Huwag kang mag alala
Itutuloy ko ang agos
Susungkitin ang pangarap kahit
Wala nang tayo sa dulo

Nagbabato bato
Sa langit kumakatok
Isang hiling ang nais ko
Kasiyahang tunay sa pinili mo

Ating pagmamahalan
Ay di nag kulang
Di nag kulang

Oras lang ang kalaban
At tadhanang hindi tayo pinagbigyan

Nagbabato bato
Sa langit kumakatok
Isang hiling ang nais ko
Kasiyahang tunay sa pinili mo

Nagbabato bato
Nagbabato bato
Nagbabato bato
Nagbabato bato



Credits
Writer(s): Kyla Miel Camerong
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link