Karangalan

Biyaya ang masilayan
Ang iyong mga ngiti
Araw-araw nahahagkan
Yakap mong namumukod-tangi

Mabuti nalang at ako
Ang iyong pinili
Hindi ko man maibigay
lahat ng tinatangi
Kahit pa ulit-ulitin
Muli't muli ikaw
Ikaw parin

Di sa lahat ng panahon ay umaga
Minsa'y gumagabi
Kapag sinusumpong
Di matanong

Kahit na
Kahit pa ganya'y
Hindi kita iiwan
Kahit na
Kahit pa ganya'y
Hindi kita iiwan

Ang 'yong mga mata't
Aking mga labi
Sa iisang mukha
Ang mabuti mong puso
At pagkatao
Napamana sa kanila
Isang karangalan ang tawaging
Asawa mo, kaibigan mo't karamay mo
Sa puso ko'y nag-iisa ka lang
Hindi 'yan magbabago

Di sa lahat ng panahon ay maaraw
Minsa'y umaambon
Kapag sinusumpong
Bumabagyo

Kahit na
Kahit pa ganto
Hindi mo 'ko iniwan
Kahit na
Kahit pa ganto'y
Hindi mo 'ko iniwan

Hindi mo 'ko iiwan
Hindi kita iiwan
Hindi mo 'ko iiwan
Hindi kita iiwan
Hindi mo 'ko iiwan
Hindi kita iiwan

Di sa lahat ng panahon ay mainit
Minsa'y nanlalamig
Di sa lahat ng panahon maliwanag
Minsa'y dumidilim

Kahit na
Kahit pa ganya'y
Hindi kita iiwan
Kahit na
Kahit pa ganto'y
Hindi mo 'ko iniwan

Kahit na
Kahit pa ganya'y
Hindi kita iiwan
Kahit na
Kahit pa ganto'y
Hindi mo 'ko iniwan

Hindi kita iiwan



Credits
Writer(s): Aries Sales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link