Halong

Paano ko ba masasabi
Lahat ng aking pagsisisi?
Paano mo natiis
Lahat ng nagawa kong mali?

Nalimot na ba ang lahat?
Alam kong hindi 'to sapat
Mga salita na lang ang kakayanin kong ilatag sa'yo

Pasensya, patawad, paalam
Kung di na masabi ngayon
Babalik na lang sa kahapon

Pasensya, patawad, paalam
Sa nasirang pangako
At nasayang na araw
Naligaw ang sarili sa
Sigaw at mga ilaw

Sana malaman ko
Na nahanap mo
Ang ligaya na di ko kayang ibigay sa'yo

Pasensya, patawad, paalam
At kung hindi na masabi ngayon
Babalik na lang lahat sa kahapon

Pasensya, patawad, paalam...



Credits
Writer(s): Gesmund Ballecer
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link