Hayaan Mo

Pupunasan ko na ba ang mga luha sa iyong mga mata
Hindi kita kayang makita sa sakit na iyong nadarama

O hayaan mong hilumin ko
Ang sugat sa puso mo

Sa piling ko'y hindi ka na muling iiyak
Ang puso mo'y di na mawawasak
Payagan mo lang ang tulad ko
Mahalin kita hanggang dulo
Hayaan mong ipaparanas ko sayo
Ang pag-ibig na tunay at puro

Alam kong hindi madali kalimutan mo sya sa bawat sandali
Mga panahong kayo ay masaya, di mo na maibabalik pa

O hayaan mong tulungan kitang
Makalimutan mo sya

Sa piling ko'y hindi na muling iiyak
Ang puso mo'y di na mawawasak
Payagan mo lang ang tulad ko
Mahalin kita hanggang dulo
Hayaan mong ipaparanas ko sayo
Ang pag-ibig na tunay at puro

Mahal kita nung una pa
Siguro ngayo'y alam mo na
Ang buhay ko'y walang labis
Ikaw na lang ang siyang kulang

Sa piling ko'y hindi na muling iiyak
Ang puso mo'y di na mawawasak
Payagan mo lang ang tulad ko
Mahalin kita hanggang dulo
Hayaan mong ipaparanas ko sayo
Ang pag-ibig na tunay at puro
Na tunay at puro
Na tunay at puro
Na tunay at puro



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link