Tarya

Teka, magkano ba yan, ba't parang talo naman
Tinatantsa sa gaan o kinakapa pag nagkakasukatan
Sanay yan sa kalakalan, dala lang ng kapakanan ng tama daw na nakakatakam
Pag walang wala na ay para-paraan

Pano

Kapag salat na sa magkano habang naaatat pa lalo
Hahanap ng aparato, anumang panapat sa gramo
Na dahilan kung ba't ganado, pahirapan na ang magbago
Kahit buto't balat na nga o maging patpat sa kakapalo

Tila giyang na nga, madiin ang panga
Palakad-lakad ang hindi mapigilang paa
Palaging abala, hindi mapakali kapag walang ginagawa
Na dilat ang mata at pinalalala ng tama na parang sya pa ang dinadala
Kahit ang pagkabaon ay 'di na madama kung tila umaangat sa ilang baba

Kaya sabik makalanghap, san ba nanggaling yang sangkap
Malamang ay limpak-limpak ang mga salaping natatanggap
Bagama't mga malaking isda man, 'di naman kayang malambat
Kung madali nang mabili ang makapangyarihang kasabwat
What

Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Silang pumupuksa o baka sila-sila rin

Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Sino, sino
Sino ba ang tunay na salarin
Silang pumupuksa o baka sila-sila rin

Naturingan ka nang mainit, bakit pa tinatangkilik
O sa maling nakasanayan, tawag ng tama ang namimilit
Ngunit para san pang matamaan na parang malawak ang pag-iisip
Kung ang marami nang nalalaman ang madalas na pinapatahimik

'Di mapigilang hayok, malabo nang makatanggi sa alok
Inaabot ng hating-gabi, daig pa nagtitinda ng balot
Nakakayamot na kahit maraming pinapanagot, bakit ganon
Hanggang ngayon madumi ang tingin maging sa napatunayang gamot

At anumang tino mo, mahirap magpakasiguro
Sa panahong tinutuluyan maging kasalukuyan nang sumuko
Kahit mali lang ang naturo o kung sa inosente napatutok ay ililibing na lang sa kasinungalingan na asunto

Kung sa natitira na mabubuti pa, mananatili ang saludo
Ngunit hindi sa mga pinahintulutan lang na mas naging abuso
Kaya ingat sa halik ni hudas, baka ikaw na ang nginunguso
Walang mau-mautak pag dinaan ka sa palit-ulo
Pakituro

Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sa panahon ngayon, mag-ingat ka kasi
Madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi

Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sino ba ang tunay mong kakampi
Sino, sino
Sa panahon ngayon, mag-ingat ka kasi
Madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi

Nakatikim ng sangkatutak
Kaya pagkahumaling ay mas lumalim na at nakiki-usap
Sa sandaling kaligayahan na kaya raw abutin ang ulap
Katawan na nangangailan hanggang sa may bibigay na utak

Pinipili ang piraso kung anong sa tingin nya ay panalo
Sa patingi-tinging silyado na pinipisil pag pinapaso
Tutuluyan pag ang puhunan ay 'di na nasisingil ng amo
Baka bangkay na yang lulutang kapag ang utang naging atraso

At kapalit lamang ng salto, yang buhay mo nakapusta
Kung tatakbo't magtatago pa ay san ka magpupunta
Kapag ang nag-aangkat ay palpak na magpakubra
'Yang mga nagbabagsak din naman ang magtutumba



Credits
Writer(s): Thomas Lynmuel Mayacyac
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link