Morena

Oh-oh-oh-oh, oh-oh-oh-oh, hmm
Oh-oh-oh-oh, hmm, yeah, yeah

Tagal kong hinanap ang tulad mo, ikaw ang papawi sa uhaw ko
Ikaw lang nagmarka sa mga nagdaan at lahat ng iba ay burado
Tumingin ka sa mga mata ko ng malaman kung ano'ng totoo
Hindi mo man kasing puti ang ulap ngunit ang isla na 'to ay kasing ganda mo

Ramdam ko ang init kahit 'di ka naka-bikini
Tunaw na ako hindi ka pa man tumititig
Nakakapipi, walang sinabi sa 'yo
Ibang babae kahit na simple ka lang, binibini
Bigyan mo sana 'ko ng pagkakataon
Na tayo'y magpainit sa harap ng bonfire
Pagmasdan natin ang langit, whole night
Habang nakikinig ng music na lo-fi

Nasa puso't isip, pati sa panaginip
At itong awitin ay ang aking pag-amin
Sa binibining marikit, sa kutis mong kayumanggi
At matamis mong mga ngiti, ako ay nabighani

Ang daming 'di pa nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma, ikaw sa kanila, gandang morena
Please lang, ika'y umuwi na, whoa-oh-oh, aking morena
Tunay mo 'kong nahalina, gandang morena

'Pag nasilayan, talagang hahangaan
Tila ba si Gloria Diaz, no'ng kaniyang kabataan
Matalino, mabait at mayro'ng pinaglalaban
Kaya 'di lang panglabas ang kaniyang kagandahan
Tanong, bakit pa ba ako lalayo?
Kung lahat ng hinahanap mahahanap na sa 'yo
Bibihirang makakita ng isang Pilipinang
May taglay ng iyong katangiang pambihira

'Di ko maitatanggi, ika'y natatangi ('di ko)
Iba ang dating ng gandang kayumanggi (kayumanggi)
Pagmalaki ang kulay ng iyong balat
'Pagkat sa gandang mong angkin giliw, daig silang lahat

Nasa puso't isip (nasa puso't isip)
Pati sa panaginip at itong awitin ay ang aking pag-amin
Sa binibining marikit, sa kutis mong kayumanggi
At matamis mong mga ngiti, ako'y nabighani

Ang daming 'di pa nakikitang dalagitang nakamamangha (oh yeah)
At dahil iba pinakita mong karisma, ikaw sa kanila, gandang morena
Please lang, ika'y umuwi na, whoa-oh-oh, aking morena
Tunay mo 'kong nahalina, gandang morena

Mainit na panahon, dagdagan mo pa ng ganda mo
Talagang mapapalingon lahat ng mga ginoo
Morena (morena), kutis ng balat ay pambihira (pambihira)
Ibang-iba ka sa lahat

Sa 'yong katangiang, masarap na tignan
Salamat kay Bathala, sa napakagandang likha niya
Kutis ng balat ay perpekto, 'di na kailangan ng iba't ibang effect 'to
Isang ngiti mo lamang ay sakto na sa puso ko walang halong panloloko

Gustong kong ipagmalaki ka, hmm
Buhay ko ikaw ang nagpinta (oh yeah)
Kaya 'wag mo nang ikahiya
'Yung nakatagong ganda na parang Yamashita

Gustong kong ipagmalaki ka (ka)
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Kaya 'wag mo nang ikahiya
'Yung nakatagong ganda na parang Yamashita

Yeah, daming 'di pa nakikitang dalagitang nakamamangha
At dahil iba pinakita mong karisma, ikaw sa kanila, gandang morena
Please lang, ika'y umuwi na, whoa-oh-oh, aking morena
Tunay mo 'kong nahalina, oh, gandang morena

Ang daming 'di pa nakikitang dalagitang nakamamangha (nakamamangha)
At dahil iba pinakita mong karisma, ikaw, walang iba, gandang morena
Please lang, ika'y umuwi na, whoa-oh-oh, aking morena
Tunay mo 'kong nahalina, gandang morena



Credits
Writer(s): Mark Nievas, Chester Caplis, Gregory Neil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link