Bulalakaw

Hating-gabi na pero gising pa ako
Nalulunod sa ala-ala mo
Maghapon kang naglalaro't tumatakbo sa isipan ko

Napasilip nalang sa bintana
At namangha sa aking nakita
May bulalakaw na nagsayaw sa gitna ng kalangitan

Humiling ako na sana'y ika'y muling mahagkan
Nagbabaka-sakali lang naman
Sana'y mapagbigyan

Dahil nu'ng nawala ka
Napawi ang saya
Sana'y bumalik ka na

Habang lumilipas ang mga araw
Hindi maiwasang mag balik-tanaw
Sa nakaraan
Ikaw ang aking kasiyahan

At nu'ng lumisan ka'y biglang nagbago
Ang pag-ikot ng aking mundo
Nasaan na ang mga bulalakaw?
Bakit hindi na muling natanaw?

Paano na ang hiling kong ika'y mahagkan?
Hindi ko na alam ang pupuntahan
Hindi na ba pagbibigyan?

Dahil nu'ng nawala ka
Napawi ang saya
Wala na bang pag-asa?

Wala na bang magagawa?
Kailangan na bang magparaya?
Hindi alam kung tama bang umasa pa (Aasa ba?)

Siguro nga (Siguro nga)
Kailangan nang tanggapin na wala ka na

Hating-gabi na pero gising pa ako
Nalulunod sa ala-ala mo
Maghapon kang naglalaro't tumatakbo sa isipan ko



Credits
Writer(s): Ted Kirk Israel De Gala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link

Other Album Tracks