Naglaho na

Hawak kamay, walang kamalay malay
Hindi ko akalain
Ako'y mahuhulog sa isang tingin
Panaginip ko, ikaw lang ang laman
Ikaw lang ang laman ng puso at isipan

Ano ba ang nangyari
Ang kahapon na kay saya
Parang naglaho ng bigla
Pag mulat ng mga mata ko
Lahat nagbago
Paano maibabalik
Ang mga yakap mo't halik

Heto nanaman ako
Kahit anung iwas at pigil ko
Bumabalik balik pa rin sayo
Puso ay nahihirapan na
Magpapanggap na lamang ba

Ano ba ang nangyari
Ang kahapon na kay saya
Parang naglaho ng bigla
Pag mulat ng mga mata ko
Bigla ka na lang nagbago
Naglaho na ba
Naglaho na ba

Paano na magpapatuloy
Ako'y nahihirapan na

Ano ba ang nangyari
Ang kahapon na kay saya
Parang naglaho ng bigla
Pag mulat ng mga mata ko
Lahat nagbago
Paano maibabalik
Ang mga yakap mo't halik

Mahal pa rin kita
Ako'y litong lito
Naglaho na ba



Credits
Writer(s): Kristine Fraser
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link