Maghihintay (not a love song)

Lagi, laging na sa 'yo ang aking pagtingin
Tanging Ikaw lamang ang hinihiling
Sa ulan man o bagyo
Asahan mo ako kahit saan

Puso 'di makahimbing sa tuwing nangangamba
Gusto kong makita sa iyong mata
Na ikaw lang at ako
Hanggang sa dulo ng walang hanggan

Magbago man ang lahat
Iibig pa rin sa 'yo
Pangako mo lang, walang iwanan
Asahang maghihintay ako

Dati, dati pa sa 'yo ako'y nagmamahal
Sa gabi ikaw aking dinadasal
Ayaw nang mapalayo
Ang puso ko sa 'yo ilalaan

Sana, sana makapiling sa habang buhay
Ang lahat sa 'yo ibibigay
'Pagdating ng pagtagpo
Sa'tin wala nang makakahadlang

Magbago man ang lahat
Iibig pa rin sa 'yo
Pangako mo lang, walang iwanan
Asahang maghihintay ako

Magbago man ang lahat
Iibig pa rin sa 'yo
Pangako mo lang, walang iwanan
Asahang maghihintay ako

Masilip lang ang ngiti
Sa labi at 'yong pisngi
Umabot man ang walang hangganan
Asahang maghihintay ako



Credits
Writer(s): Moira Dela Torre, Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link