Dalangin

Hindi ko alam kung bakit naguguluhan pa rin
'Di lang siguro makapaniwalang masaya na 'ko ngayon
Nasanay akong puro pinapakinggan masasakit na awitin
Pamilyar kasi sa akin ang pakiramdam

Ngayon, handa na 'kong tanggapin
Masaya ako kaya iaawit ko

Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon, kaya ko nang isipin
'Di naman pala gano'n kasama ang mundo
Dahil mayro'n itong ikaw

Titigilan ko nang paghanap ng sakit
Sa maliliit na bagay
Tinuruan mo akong maniwalang
Karapat-dapat akong maging masaya

Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon, kaya ko nang isipin
'Di naman pala gano'n kasama ang mundo
Dahil mayro'n itong ikaw, ikaw, ikaw

Ikaw ang sumagip sa akin, nagawang languyin
Lakas ng alon ng isip, 'di ka nagpahagip
Sa tinagal-tagal nauso, masasakit na kanta
Paminsan-minsan, awitin natin
Ligayang 'pinagkaloob sa atin
Ikaw ang sayang 'pinagkaloob sa 'kin

Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Hindi na bibitawan

Ikaw ang sagot sa dalangin ko
Binigyan mong kulay ang madilim kong pananaw sa mundo
Ngayon, kaya ko nang isipin
'Di naman pala gano'n kasama ang mundo
Dahil mayro'n itong ikaw



Credits
Writer(s): Patricia Quiwa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link