Dos Katorse

Itaga mo sa bato na dito sa puso koy walang ibang makakaagaw
Pagpasalamat nalang sa diyos dahil tanggap kita kahit alam ko na ikay matakaw
Kasama kang mag unat kahit na minsay urat sa pagbalik tanaw mo sa iyong pambatang Asal ngunit ilan lang yan sa dahilan kung bat kita nagustuhan kahit baduy sa paningin Nila ay tatawagin kang mahal

Ooh ikaw ang siyang kailangan ko nagbigay sigla sa malungkot na puso ko minahal kita Hindi dahil sa anong meron ka bagkus inibig kita dahil kung sino ako pag kasama kita

Dumating ka na pala paumanhin kung silid ay medyo kalat pangunahin mo pa naman Ang pag talak ang pahupain ang iyong galit diyan ako sanay
Kaya tablado muna ngayong araw kung may mag aya
Sabihin man sa lakad namin sila daw ang taya aba etoy balewala wag lang na Mapabayaan o na maaksaya ang oras na mala ginto pag kapiling kita
Di man madalas aminin lahat to pag ibig ang ibig sabihin pag dating sayo di na Kailangan mag lihim handa naman ako na mag paalipin sa iyong pag mamahal na pang Matagalan atin ng sabayan ang hele ng pag ibig para sating dalawa

Ooh ikaw ang siyang kailangan ko nagbigay sigla sa malungkot na puso ko minahal kita Hindi dahil sa anong meron ka bagkus inibig kita dahil kung sino ako pag kasama kita



Credits
Writer(s): Brix James Ado-an
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link