Naglaho Na

Nakalimutan na ng aking mga mata
Ang magpahinga tuwing takipsilim
Nakalimutan na ng ating mga bibig
Ang mga salitang nais bigkasin

Ngunit ano ba ang saya
Kung wala ka na sa aking piling?
Pa'no na ang mga ngiting
Iginuguhit mo sa aking mga labi?
Ito'y naglaho na

Nakalimutan na ang init ng 'yong mga yakap
Na biglang lumamig sa madilim, makulimlim na pagdurusa
Sa mundong pabago-bago, ikaw ang nananatiling sigurado
Baka naman, siguro

Ngunit ano ba ang saya
Kung wala ka na sa aking piling?
Pa'no na ang mga ngiting
Iginuguhit mo sa aking mga labi?
Ito'y naglaho na

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

'Di na makatulog nang ako'y gisingin mo
Sa katotohanan, sa katotohanan
'Di na makatulog nang ako'y gisingin mo
Sa katotohanan, sa katotohanan

Hindi na makatulog nang ako'y gisingin mo
Sa katotohanan, sa katotohanan
'Di na makatulog nang ako'y gisingin mo
Sa katotohanang 'di na ako ang 'yong tahanan

Ngunit ano ba ang saya
Kung wala ka na sa aking piling?
Pa'no na ang mga ngiting
Iginuguhit mo sa aking mga labi?
Ito'y naglaho



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link