Kapantay Ay Langit

Mahal kita, kapantay ay langit sinta
At lagi kong dasal sa Maykapal
Ang lumigaya ka
Kahit ngayon, mayroon ka nang ibang mahal
Hinding-hindi pa rin ako magdaramdam

Ngunit sinta, sakaling paluhain ka
Magbalik ka lamang
Naghihintay puso ko't kaluluwa
Pag-ibig ko kapantay ay langit, hirang
Hindi magbabago kailan pa man

Ngunit sinta, sakaling paluhain ka
Magbalik ka lamang
Naghihintay puso ko't kaluluwa
Pag-ibig ko kapantay ay langit, hirang
Hindi magbabago kailan pa man
Hindi magbabago kailan pa man



Credits
Writer(s): George Canseco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link