Limang Dipang Tao

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan, 'di ko malaman

Sa aking dyipning sinasakyan
Mayro'ng natanaw na mama
Sa dinami-raming nagdaraan
Ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga

Para, mama, dito na lang, bababa na ako
Para, mama, dito na lang, heto ang bayad ko
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan sa tabi

Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa 'yo
Tinatanaw ang pag-akay mo
Sa babaeng pinangseselosan ko

Sa pagmamadali, nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan n'yo
Lumapit ka at tinulungan ako
At kita'y tinitigan (at kita'y tinitigan)
Mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman?

Sorry, mama, pasensiya ka na, akala ko'y asawa kita
Sorry, mama, pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi, sorry na sabi
Sorry, mama, sorry't napagkamalan ka

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa abenidang aking kinatatayuan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan, 'di ko malaman

Limang dipang taong nag-uunahan
Sa uunting sasakyang nagdaraan
Sayang ang dyipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi
Sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali (malaking pagkakamali)

Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nag-uunahan
Para, mama, sasakay po
Limang dipang taong nagtutulakan
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan sa tabi

(Para, mama, d'yan sa tabi)
Para na sabi, para na sabi
Para, mama, para na d'yan (para na d'yan sa tabi)
Para na d'yan (para na d'yan) sa tabi
Para



Credits
Writer(s): Ryan Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link