Hayaan Mong Umulan

'Di man makita ang pag-asang mailap
Sa nagdidilim na mga ulap
Huwag mong pigilan ang pag-agos ng luha
Dala ng pusong nagdurusa
Mahirap man ang bawat sandali
Nandito lang ako sa'yong tabi

Sa'yong mga mata'y nakisama ang langit
Hindi man maikukubli ng ngiti
Ako ang hanging hahaplos sa'yong pusong
Sugatan
Hayaan mong umulan

Marahil may ibang laan
Sa'yong damdaming nahihirapan
'Di ka mag-iisang haharapin ang bagyo
Ikaw ay aking sasamahan
Malunod man ang aking puso
Hindi ka iiwan hanggang dulo

Sa'yong mga mata'y nakisama ang langit
Hindi man maikukubli ng ngiti
Ako ang hanging hahaplos sa'yong pusong
Sugatan
Hayaan mong umulan
Hayaan mong umulan

Malabo man ang ating mundo
Ako'y nandito lang para sa'yo

Sa'yong mga mata'y nakisama ang langit
Hindi man maikukubli ng ngiti
Ako ang hanging hahaplos sa'yong pusong
Sugatan
Hayaan mong umulan
Hayaan mong umulan
Hayaan mong umulan
Hayaan mong umulan



Credits
Writer(s): Pillow Stories
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link