Uyayi ng gabi

Kinakausap mga bituin
(Tinatanong sino ang salarin)
Ba't lumalabo ang paningin
(Ba't ba lumabo ang iyong pagtingin)
Mga hiling ko sana'y dinggin
(Mga hiling ko sana'y iyong dinggin)
Natatangay sa simoy ng hangin
(Sasabay kung saan man dalhin)

Huwag magtataka kung ako'y nag-iisa
Nais kong manatili sa labas at nang di madama
Ang tinitiis kong mga hapdi
Habang nakatutok sa taas di nagmamadali

Buwan ang tanging ilaw sa himig ng gabi
Uyayi ng paligid at ako'y nagkakape
Darating din ang araw na ako'y magwawagi
Lahat ng paghihirap ay babawi sa huli

Kinakausap mga bituin
(Tinatanong sino ang salarin)
Ba't lumalabo ang paningin
(Ba't ba lumabo ang iyong pagtingin)
Mga hiling ko sana'y dinggin
(Mga hiling ko sana'y iyong dinggin)
Natatangay sa simoy ng hangin
(Sasabay kung saan man dalhin)

Ako ay namulat sa katotohanan
Di lilingunin ang nakaraan
Ako ay natutong bigyan ng pansin
Hulmahin, tanggapin ang nakalaan
Nais sumulat sa aking sarili
Upang hindi na muling masaktan
Kung merong Karamay ay iyong pansinin
Kase alam mong kailangan mo yan

Huwag sosolohin ang problema
Ito'y dinig ng iyong kasama
Ang natatanging pangangga sa
Sikolohikal na giyera
Buhay ay hindi karera
Payo ay dinig sa tenga
Magsisilbi itong gasera
Sa gabi hanggang umaga



Credits
Writer(s): Enzo X
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link