Eskapo
Kapayapaan sa sarili, kailan ko pa ba matatagpuan?
Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan
Dumudugo ng luha, ang mga mata 'pag ang puso'y sugatan
Gusto ko nang lumuha ng dugo para ulo'y gumaan
Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang
Baka alam mo kung saan ang tamang daanan? Pakituro mo naman
Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan
Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan
Pinarusahan, nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan
Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo
Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko
Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, naku po
Habagat na ang ihip, 'pag malamig magkumot
Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
Kaya, kaya, kaya
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala?
'Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala?
Minsan gusto ko na lang na mawala na
Huwag kang magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag)
Imbis na mainip, pag-isipan pa ng maigi kung pa'no (magdamag, magdamag)
Malimit, mahilig, magbilin sa ibang tao
Ngunit tila 'di ko masunod-sunod ang sarili kong payo
Katahimikan, nakahiligan, kapaligiran parang libingan
At kahit minsan walang bisita na sa dilim at nakangiti lang
Naging pihikan sa pag-ibig, maging sa kaibigan
Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
Kailangan ng pampakalma, ayoko nang maalala ang pagaalala
Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad
Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad

Kaya madalas ay
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala?
'Di ko na alam kung saan ako dinadala
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala?
Minsan gusto ko na lang na mawala na
Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
Sakit sa ulo, ang sabi ng iba, ito'y sakit sa utak
Kada gabi, nagmamadali na makarating sa ulap
Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak
Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig
Pero parang gusto ko 'yung kumot nakapulupot sa leeg
Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig
Mas masarap pa'ng mamundok o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib
Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang
Kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa
Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula
Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa
At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban
Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan
Kapayapaan sa sarili 'tsaka ko na lang 'to natagpuan
No'ng ang makitid ko na pag-iisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan
Gusto lang namang kumawala
Ng isip kahit pansamantala
Pero bakit tila mas lumalala?
'Di ko na alam kung saan ako dinadala ('di ko na alam)
Gusto lang namang kumawala (gusto lang namang)
Ng isip kahit pansamantala (kahit pansamantala)

Credits
Writer(s): Marlon Peroramas, Jim Poblete, John Roa
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.