Duyan - Live

Parang may ulap sa 'king mga paa
T'wing mumulat aking mga mata
Mamasdan ang 'yong pagkahimbing
Ang iyong paghingang kay lambing

At paggising ay maghawak-kamay
Yumakap ka't tayo'y sumayaw
Kasabay ng ritmo, kumpas at pintig
Ng tugtog dito sa 'king dibdib

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan-dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay

Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa kung 'di ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo, oh

Parang musika ang naririnig
Tuwing "mahal kita'y" mamumutawi sa iyong bibig
Pabulong mo pang sinasambit (sinasambit)
Tila bumabagal ang bawat saglit

Nakailang hiling na rin sa tuwing darating
Ang dumadalaw na bulalakaw
Kung maaari bang dumating
Ang tulad mo't magmistulang araw?
At magbigay ng sigla
Ngayon sa buhay ko'y nariyan ka na

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan-dahang kumakampay habang nakadantay (oh)
Magkayakap sa bawat imbay

Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa kung 'di ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mong

Pakiramdam ay langit
Iingatan ko hanggang sa kahit tayo'y
Tumanda na at lumipas, pag-ibig ay niningas pa
Ngayon at kailan pa man

Ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh (la-ra-la, yeah)
Ooh, ooh, ooh
Ooh, ooh, ooh (oh, oh-oh-oh)

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan-dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay

Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na 'kong nanaisin pa kung 'di ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo

Oh, duyan mo



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link