Nais

Balak ko lang sana'ng maglasing
Magpakapraning sa gitna ng dilim
Nang 'di ko inasahang darating
Ang matagal ko nang hinihiling (hey)

Biglang nagbago ang takbo at ikot ng mundo
Ikaw na nga ang hinahanap at pangarap ko
'Di ko na mapigilan ang pagtibok ng puso ko
Ang tanging nakikita ay ikaw lang at ako

Simula pa no'ng una kitang makilala
Ang dating mo sa 'kin kakaiba
Parang rosas na nagbibigay ng ligaya
Araw-araw ay sumasaya

Nais kang makita, nais makasama
Nais na mayakap ka
Nais kong sabihin ang tanging nililihim
Para ako ay mapansin
Dagat ma'y tatawirin
Kahit kasing layo ng bituin
Minamahal kita, ngayon alam mo na (hey)
Ikaw lang at wala na ngang iba

Wala na akong balak magising
Sa gitna ng pagkakahimbing
At kahit sa'n pa tayo dumating
Ikaw lang ang aking mamahalin

Kay sarap-sarap naman sa pakiramdam
Ang mga bawat sandali, aking ninanamnam
Pag-ibig natin na wagas ay pakaingatan
'Pinapangako ko sa 'yong hindi ka sasaktan

Simula pa no'ng una kitang makilala
Ang dating mo sa 'kin kakaiba
Parang rosas na nagbibigay ng ligaya
Araw-araw ay sumasaya, ha-ah

Nais kang makita, nais makasama
Nais na mayakap ka
Nais kong sabihin ang tanging nililihim
Para ako ay mapansin
Dagat ma'y tatawirin
Kahit kasing layo ng bituin
Minamahal kita, ngayon alam mo na (hey)
Ikaw lang at wala na ngang iba

Nais kang makita, nais makasama
Nais na mayakap ka
Nais kong sabihin ang tanging nililihim
Para ako ay mapansin

Nais kang makita, nais makasama
Nais na mayakap ka
Nais kong sabihin ang tanging nililihim
Para ako ay mapansin
Dagat ma'y tatawirin
Kahit kasing layo ng bituin
Minamahal kita, ngayon alam mo na (hey)
Ikaw lang at wala na ngang iba

Ikaw lang at wala na ngang iba

Ikaw lang at wala na ngang iba

Maraming salamat sa pagdating
Ang buhay ko'y nagniningning



Credits
Writer(s): Mark Jason Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link

Other Album Tracks