Metro

Bulag sila sa mga pahirap
Na iyong nararanasan
'Di nila naiintindihan

At may mga nagbibingi-bingihan
Sa mga kasinungalingan
'Di kaya sila ay bayaran?

Kamatayan at sakit
Kalayaan ay nagigipit
Lupa at dagat natin ay 'pinagsasanla

Kapatid, 'di pa ba nagsasawa?
Tumatakbo ang metro
'Wag ka nang muling magpapalinlang
Sa pangakong pinako

Mga abuso sa kapangyarihan
At maling pamamalakad
Ang sagabal sa kaunlaran

Walang pinuno ang hindi marunong
Lutasin ang mga problema
Ito'y panata nila sa bayan

Simulan ang pagbabago
Sa isang pinuno
Na may pagmamalasakit at paninindigan

Panahon na upang
Imulat ang mata sa katotohanan
Pandemya at kawalan ng kabuhayan

Asa'n na ang nawawalang lupa't pera?
Bagsak ang ekonomiya
'Di ka ba nagtataka?

Pinunong may talino
Puso at tapang
Ito ang kailangan ng ating bayan

Kapatid, 'di pa ba nagsasawa?
Tumatakbo ang metro
Isa lang ang iyong pagpipilian
Pangulo ba o panggulo?
Pangulo ba o panggulo?

Pangulo ba o panggulo?
Pangulo ba o panggulo?
Pangulo ba o panggulo?
Pangulo ba o panggulo?



Credits
Writer(s): Audry Mae Garcia Dionisio, Ely Eleandre Buendia, Maria Diane Ventura
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link