Mananatili

'Di mo lang alam ako'y 'di pa nakalalaya
Mula sa akala kong habambuhay
Ngayon ay alaala
Marahil ay 'di mo napapansin
Dahil ayaw kong malaman mo
Nang matulungan din kita
Sa paglaya ng iyong puso

Salamat sa maikling walang hanggang
Ipinaranas mo
Naging gusot man ang ikinasiya
Ng ating mga puso
Ang mahalaga ang mga bagay na
Walang ibang makapagsasabi kundi tayo

Ikaw ay mananatili
Alaala ay mananatili

Walang ibang makapagsasabi
Kung hanggang kailan
Maaaring ikaw ay mauna sa kaligayahan
Magmahal man ng iba kapangyarihan
Mo lamang ang nagbukas
Sa puso kong walang kamalay-malay

Salamat sa maikling walang hanggang
Ipinaranas mo
Naging gusot man ang ikinasiya
Ng ating mga puso
Ang mahalaga ang mga bagay na
Walang ibang makapagsasabi kundi tayo

Ikaw ay mananatili
Alaala ay mananatili
Mananatili
Alaala ay mananatili

Ang dating bukambibig ay ayaw nang bigkasin
Ng mga labing dating sabi'y
Magmamahal hanggang libing
Hindi akalaing magtatapos
Ang lubus-lubos
Na matatamis na salitang unti-unting naubos
Milya-milya ang kanyang tinawid
Sa himpapawid
'Yun pala ay mapapatid "Manatili," aking batid
Maaaring walang-wala na
Ngunit iyong pag-ibig ay hindi malilimot, sinta
Hindi mo alam ikaw pa rin ang nasa isip
Magdamang sa panaginip
Mukha mo ang nasisilip
Ngunit giliw ako ay patawarin
Hindi na maaaring
Bumalik sa mga bagay na walang bisa ang panalangin

'Di mo lang alam ako'y 'di pa nakalalaya
Mula sa akala kong habambuhay ngayon ay alaala

Alaala...



Credits
Writer(s): Ann Margaret Joson
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link