Di Pasisiil

Punahin, paslangin
Sa 'ting dalawa ikaw ang salarin
Sumigaw, daigdig
Tignan natin sinong makakarinig
Hustisyang pangmayaman
At parusang pangmahirap
Sambitin, linlangin
Ang madlang sa'yo lang nakatingin

Nasa ating kamay ang bukas
Buhayin ang pag-asang wagas
Kalabanin ang agos, kumalas sa pagkagapos
Hinding-hindi ka magpapasiil

Bibig mo, busalan
Huwag nang pumalag, baka ika'y manlaban
Utos ko, sundin mo
Sa bawat pitik may gantimpala sa'yo
Purihin ang malakas, at ubusin ang mahina
Sambitin, linlangin
Ang madlang sa'yo lang nakatingin

Nasa ating kamay ang bukas
Buhayin ang pag-asang wagas
Kalabanin ang agos, kumalas sa pagkagapos
Hinding-hindi ka magpapasiil

Hindi ka magpapasiil!

Pansinin, ang mali
Kailanma'y hindi ka mahuhuli
Buksan ang 'yong mata
Dinggin ang sigaw ng mga maralita
Idulot ang pagbabago ngayon sa ating sarili
Maka-tao, maka-Diyos
Isang panata, isang dugo

Nasa ating kamay ang bukas
Buhayin ang pag-asang wagas
Kalabanin ang agos, kumalas sa pagkagapos
Hinding-hindi ka magpapasiil, Inang Bayan

Hindi ka magpapasiil!



Credits
Writer(s): Francesco Adriano Lopez Dulce, Luis Raphael Tomas Castro Lim
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link