Paumaga

Oh, my God, it's Je!

Paumaga na naman, 'wag na tayong umuwi (umuwi)
Ano'ng puwedeng dahilan sa ating paglilibang?
Palubog na ang buwan, palitaw na rin ang araw
Kuwento natin ay nagsisimula pa lang

'Wag tayong mag-alangan sa mga nakaraan ('wag mag-alangan)
Tuwid lagi ang daan, 'wag paikot-ikot lang
Atin laging pagmasdan ang mga nakaabang
'Pag 'di na napuntahan, lagi 'yan may paraan

Tara na, bitawan 'yang hawak na alak
Halatang tinamaan ka ng serbesa
Mga matang papikit-pikit, lakad mo, 'di na tuwid
Ako'ng bahala sa 'yo (ooh)

Mahal, 'di kita pababayaan
Itong gabi ay para sa 'tin
Gawin mo lang ang gusto mong gawin
Tulad ng mga bagay na 'di pa nagawa (nagawa)

Tayo'y magsaya
Magsaya (magsaya tayo na parang mga bata pa)
Magsaya (magsaya tayo na parang mga bata pa)
Magsaya (magsaya tayo na parang mga bata pa)

Paumaga na naman, 'wag na tayong umuwi (umuwi)
Ano'ng puwedeng dahilan sa ating paglilibang?
Palubog na ang buwan, palitaw na rin ang araw
Kuwento natin ay nagsisimula pa lang

'Wag tayong mag-alangan sa mga nakaraan ('wag mag-alangan)
Tuwid lagi ang daan, 'wag paikot-ikot lang
Atin laging pagmasdan ang mga nakaabang
'Pag 'di na napuntahan, lagi 'yan may paraan (paraan)

May oras pa (may oras pa)
Sa ating bulsa (sa ating bulsa)
'Di bale nang walang lamang pera
Basta may oras pa (basta may oras pa)

(Oh, oh, oh, oh, oh, oh)
Ay, ako na ba? Ah, wait lang, wait lang (oh, oh, oh, oh, oh, oh)
Asa'n na nga ba 'yon? Ah, ito (oh, oh, oh, oh, oh, oh)
'Ge, game, game (oh, oh, oh, oh)

Heto na naman, hindi ako mapakali
Gusto kang makasama sa umaga hanggang sa gabi
Gusto kitang makatabi
Sa mga bawal na sandali

Sa dalampasigan, ikaw ay aking aawitan
Habang pinagmamasdan ko lang ang iyong kagandahan
Napakasarap mo kasing titigan
Ang mga problema, kalungkutan ay nalilimutan

Sindihan natin 'yung bonfire, ilagay sa may tabi
'Pag nawala sa paningin, hindi ako mapakali
Mag-uumaga na naman, oh, mamaya na umuwi
Gusto kita na makasama pa, mayakap pang muli

Paumaga na naman, 'wag na tayong umuwi (umuwi)
Ano'ng puwedeng dahilan sa ating paglilibang?
Palubog na ang buwan, palitaw na rin ang araw
Kuwento natin ay nagsisimula pa lang

'Wag tayong mag-alangan sa mga nakaraan ('wag mag-alangan)
Tuwid lagi ang daan, 'wag paikot-ikot lang
Atin laging pagmasdan ang mga nakaabang
'Pag 'di na napuntahan, lagi 'yan may paraan (paraan)

May oras pa (may oras pa)
Sa ating bulsa (sa ating bulsa)
'Di bale nang walang lamang pera
Basta may oras pa (basta may oras pa)

May oras pa, may oras pa
May oras pa, may oras pa
May oras pa, may oras pa
May oras pa, may oras pa

May oras pa, may oras pa, ayy, ayy
Gusto pa kitang makasama, ayy
'Wag na tayong umuwi
Sa 'yo na 'ko pauwi, ayy

May oras pa, may oras pa, ayy, ayy
Gusto pa kitang makasama, ayy
'Wag na tayong umuwi
Sa 'yo na 'ko pauwi, ayy



Credits
Writer(s): Jonnel Aldea Alday
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link