ayos lang

Oh baket biglang napapangiti
Sa tuwing kasama ka, 'di nako makahindi
'Di mapigilan tuwa, 'kala mo nakasinde
Tila naglalaro ng apoy 'pag ikaw katabi
Sa daming mga panaginip na aking nakita
Ikaw ang aking binitbit hanggang sa magising na
Ako ay matutulog ulet baka matuloy pa
Tinalo ko pa ata PAG-ASA sa kakaasa
Asadong asado, wala akong laban sa guwapo
Hindi rin naman ganun kalaki ang aking braso
Daming nagtanong ano ba ang meron ako
Sa'kin may bumulong, 'wag kanang umasa bro
Teka 'di ko naman sinabi na siya ay sa akin
Ni hindi ko nga kayang umamin
Dahil alam ko naman na talagang alanganin
Pero sana magkaroon ng sa amin

Sa tuwing kasama ka
'Di ko mapigilan na matuwa (tuwa)
Makita lang kitang masaya ay ayos na
Kahit 'di na'ko yung dahilan basta masaya ka
Sa tuwing kasama ka
'Di ko mapigilan na matuwa (tuwa)
Makita lang kitang masaya ay ayos na
Kahit 'di na'ko yung dahilan basta masaya ka

Handa na'kong kalimutan yung kagabi
Yung nakita kitang may kasama na iba
Pero sa gilid ako ay napatabi
Kasi nakita ko naman na masaya kana
Napakalayo ng aking tingin
Napapaisip ba't ako naaning
Sa ganda ng ngiti, ako'y napapraning
Pero alam ko sa sarili kong wala pa rin
Akong pagasa, ayoko ng umasa
Sa sobrang linaw, 'di na kailangan kalabasa
Ng aking mata, sobra na ang mga nakita
Ako'y takot manligaw, 'tila walang tinadhana
Sa aking buhay, teka parang nakalimot ako
Ikaw aking buhay, yun naman ang totoo
Kahit tulo laway, at puro tingin lang sayo
Ayokong mawalay, ang kasiyahan ko

Sa tuwing kasama ka
'Di ko mapigilan na matuwa (tuwa)
Makita lang kitang masaya ay ayos na
Kahit 'di na'ko yung dahilan basta masaya ka
Sa tuwing kasama ka
'Di ko mapigilan na matuwa (tuwa)
Makita lang kitang masaya ay ayos na
Kahit 'di na'ko yung dahilan basta masaya ka
Sa tuwing kasama ka
'Di ko mapigilan na matuwa (tuwa)
Makita lang kitang masaya ay ayos na
Kahit 'di na'ko yung dahilan basta masaya ka
Sa tuwing kasama ka
'Di ko mapigilan na matuwa (tuwa)
Makita lang kitang masaya ay ayos na
Kahit 'di na'ko yung dahilan basta masaya ka



Credits
Writer(s): Mark Daren Herrero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link