Handog Ng Pilipino Sa Mundo

'Di na 'ko papayag mawala ka muli
'Di na 'ko papayag na muling mabawi
Ating kalayaan, kay tagal na nating mithi
'Di na papayagang mabawi muli

Magkakapit-bisig, libo-libong tao
Kay sarap palang maging Pilipino
Sama-sama, iisa ang adhikain
Kailan man, 'di na paaalipin

Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

Magsama-sama tayo, ikaw ay Pilipino

Masdan ang nagaganap sa aming bayan
Magkasama na'ng mahirap at mayaman
Kapit-bisig, madre, pari, at sundalo
Naging langit itong bahagi ng mundo

Huwag muling payagang umiral ang dilim
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin
Magkakapatid lahat sa Panginoon
Ito'y lagi nating tatandaan

Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link