AIK

Ilang beses na bang lumuhod
At Sa'yo ay nagsumamo
Puso'y Iyong inayos
Di Ka nagsasawang
Magkaloob sa'kin ng awa
At ng biyaya

Pilit ko man baguhin ang sarili ko
Ito'y higit sa kakayahan ko
Kaya ko ang lahat di sa'king lakas
Kundi Sa'yo Cristo

Ang Iyong kabutihan
Umaakay sa akin
Patungo sa pagsisisi
At banal na pamumuhay
Ang puso ko'y sa langit
Nananahan sa Iyo lagi

Ilang beses na bang umalis
Naligaw at nanumbalik
Pagmamahal di Mo pinagkait
Binuhat na parang tupa
Pabalik sa pahinga

Ang Iyong kabutihan
Umaakay sa akin
Patungo sa pagsisisi
At banal na pamumuhay
Ang puso ko'y sa langit
Nananahan sa Iyo lagi

Nananahan sa Iyo lagi

Na may tapat na puso
At pagtitiwala
Ako'y lalapit Sa'yo
Di mag-aalinlangan
Ialay ang sarili
Sa Iyong paanan

Na may tapat na puso
At pagtitiwala
Ako'y lalapit Sa'yo
Di mag-aalinlangan
Ialay ang sarili
Sa Iyong paanan

Hayaan Mo
Ang kabutihan Mo'y
Baguhin ako
Hanggang sa labas ng puso

Hayaan Mo
Ang kabutihan Mo'y
Baguhin ako
Hanggang sa labas ng puso

Hanggang sa labas ng puso
Hanggang sa labas ng puso
Hanggang sa labas ng puso
Hanggang sa labas ng puso



Credits
Writer(s): Jc Ronato, Joe Tanjangco, John Kenneth Fajardo, Jovel Rivera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link