IMPOSTOR (AMONG US)

Madaming nakapaligid kailangan ay alisto
Maging mapag masid upang silay mabisto
Iba-iba ang kulay daig pa mga ang aktor
Alamin ang mga tunay lumayo sa impostor

Distansya muna pre naku pasensya na
Kung ika'y panggap pwede lumayo ka ha

Tanging kakampi mo lang ay ang iyong sarili
Wag mag pakampanti baka ikay madali

Wag magtitiwala para laging safe
Kasi di mo pa alam kung legit bayan o fake

Wala akong kargada upang makapalag
Ang magagawa ko lang ikaw ay ilaglag
Impostor

Magaling mag panggap anghel pagkaharap
Pag di nakatingen tsaka yan aatack ay naku

Demonyo pagtalikod, biglang mananaksak
Ingat ingat ka lang iho baka ikay matadtad

May nakitang naka handusay
Nagiisang bangkay
Di ako mapalagay
Kanino ba dapat humanay
Walang pwedeng makagapay
Sino salarin sino pumatay
Wag mag turo kung walang patunay
Di ako yun bat ako nadamay

Madaming nakapaligid kailangan ay alisto
Maging mapag masid upang silay mabisto
Iba-iba ang kulay daig pa mga ang aktor
Alamin ang mga tunay lumayo sa impostor

Umalis ka na dito kung mahina ang loob
Di ka pwede na bumase lamang sa kutob

Ako ang impostor tahimik lang sa ako gilid
Magaling ako umarte kayo'y mapapaisip

Pinaplano ko pa kung sino aking uunahin
Yung isa na malayo o etong malapit sakin

Ah alam ko na etong puro chat lang
Kailangan ay pulido ang bawat hakbang

Mag papanggap na matino
Panis lahat saakin ito
Daig ko pa mapag balat kayo
Di mo kayang mabisto to

Akoy balik harap mag ingat ka
Wag kumurap tumutok ka
Unti nalang natitira
Baka nga sunod kana

Sinong ituturo sinong iboboto
Mag ingat ng todo kasi delikado

Tatlo nalang tayo bago makaturo
Ikaw na ay dedo ikaw na ay dedo haha

Madaming nakapaligid kailangan ay alisto
Maging mapag masid upang silay mabisto
Iba-iba ang kulay daig pa mga ang aktor
Alamin ang mga tunay lumayo sa impostor



Credits
Writer(s): Ianlord Cea
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link