INIBIG MONG LUBOS

Buhay ko'y binago Mo
Niyakap at nilinis Mo
Kinalimutan ang nakaraan
Pag-asa sa buhay ay nakamtan

Natagpuan sa karumihan
Pinawi ang karamdaman

Ako'y inibig Mong lubos tinanggap muli
Ang 'Yong buhay ang tumubos ako'y nilinis
Pinatawad ang lahat ng kamalian
Ganyan kalawak ang pagmamahal

Hesus ako'y nilingap Mo
Doon sa krus Ika'y ipinako
Pagmamahal Mo ay walang hanggan
Hindi Mo iiwan kailanpaman

Ika'y handog sa kasalanan
Pagsamba ko'y iaalay

Ako'y inibig Mong lubos tinanggap muli
Kaligtasan ay natamo sa Yong pag-ibig
Kapighatian at hirap ay Iyong pinasan
Ganyan kalawak ang pagmamahal

Binuhat mo ang sala ko
Ika'y hinamak at itinakwil
Tinanggap ang dalamhati
Sa Yong latay ako ay gumaling

Ako'y inibig Mong lubos tinanggap muli
Ang 'Yong buhay ang tumubos ako'y nilinis
Pinatawad ang lahat ng kamalian
Ganyan kalawak ang pagmamahal

Ako'y inibig Mong lubos tinanggap muli
Kaligtasan ay natamo sa Yong pag-ibig
Kapighatian at hirap ay Iyong pinasan
Sadyang ganyan kalawak
Ang Iyong Pagmamahal
Hmmmm



Credits
Writer(s): Catherine L Guzman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link