Ugat

Para sa lahat
Baba
Nasan na ang tunay na mga tao
Nasan na ang kultura ng mga tao

Sabihin nyo sa akin anong dapat na gawin
Sinong dapat na sundin, anong dapat pagandahin
Nasan na ang tunay na mga tao
Nasan na nasan na

Pagmamahalan bakit di ko madama
Madalang na lang makakita ng kaluluwa
Inosente na mata ko nabahidan ng kaba
Di nyo ba dama

Ang paghihirap
Ang puso at isipan ay tumatakbo
Pilit hinahabol ng sistemang pang alipin
Bakit ba nating kaylangang maranasan to

Mga kabundukan kinamkam, mga sakim
Pareho ngang tao pero bakit ang hirap intindihin
Mga kagustuhan nila pansarili lang
Kaya merong tyan na kumakalam

Ang daming daing, walang tumalab
Manhid na kayo, di nyo ba alam
Nasan na, nasan na
Nasan na ang tunay na mga tao

Nasan na ang kultura ng mga tao
Sabihin nyo sa akin anong dapat na gawin
Sinong dapat na sundin
Anong dapat pagandahin

Nasan na ang tunay na mga tao
Maligayang pagdating sa mundo ng mga tao
Pagmasdan mo kung pano nila itrato
Kapwa nila hayop kapwa nila tao

Di na makamundo puro labanan
Paligsahan na makarating sa harapan
Sobrang dalang na lang salita na tulungan
Masyado nang negatibo ang mga kaisipan

Pano wakasan ang paghihirap
Ang puso at isipan ay tumatakbo
Pilit hinahabol ng sistemang pang alipin
Bakit ba natin kaylangang maranasan to

Pano lulunasan ang mundo na madilim
Kung ang inaasahang tao mismo ang kumikitil
Mga kagustuhan nila pansarili lang
Kaya magulo ang sanlibutan

Ang daming daing, walang tumalab
Manhid na kayo, di nyo ba alam
Nasan na, nasan na
Nasan na ang tunay na mga tao

Nasan na ang kultura ng mga tao
Sabihin nyo sa akin anong dapat na gawin
Sinong dapat na sundin
Anong dapat pagandahin

Nasan na ang tunay na mga tao
Para sa lahat
Nasan na ang tunay na kahulugan
Nasan na

Nang tunay na pagmamahal
Nasan na ang tunay na kahulugan
Nasan na
Nang tunay na pag mamahal



Credits
Writer(s): Genesis Lago
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link